Amount ng proposed SALARY INCREASE for Teachers



Ang kasalukuyang panukalang pagtaas ng sahod sa Teacher 1 ay nagkakahalaga ng P30,000; ang Instructor 1 sa P31,000; at ang mga kawani naman na SG1 sa P16,000.


Ang ACT Teachers Party-list ay patuloy na titindig para ipaglaban ang pagtaas ng sahod para sa mga guro at lahat ng kawaning pamubliko. Patuloy nitong sisingilin ang mga pangako ng administrasyon na dagdag sweldo labas sa EO 201.

Mula pa noong una itong nahalal sa kongreso, tuloy-tuloy ang paghahain ng ACT Teachers Party-list ng mga panukalang batas para sa dagdag sahod ng mga guro at kawani. Ang kasalukuyang ipinanunugkala ng ACT Teachers Party-list ay ang HB 7211 kung saan itinataas ang sweldo ng Teacher 1 sa P30,000; ang Instructor 1 sa P31,000; at ang mga kawani naman na SG1 sa P16,000.

Sama-sama nating singilin ang pangako ng kasalukuyang administrasyon at ipaglaban ang dagdag sahod para sa mga guro at lahat ng kawani sa pampublikong sektor.

Ang boto para sa ACT Teachers Party-list ay boto para sa salary increase! Ishade sa balota, 83 ACT Teachers Party-list.

Source: ACT Teachers Party-List


Amount ng proposed SALARY INCREASE for Teachers Amount ng proposed SALARY INCREASE for Teachers Reviewed by DepEd Click Admin on March 05, 2019 Rating: 5

4 comments:

  1. Taasan dapat talaga Ang Sahod ng mga teacher Lalo sa public school. Ang hirap Kaya ng trabaho Nila,halos walang day off. Lalo na Ang mga nagtuturo sa ibang lugar at Malayo sa kanilang inuuwiang tahanan.kulang pa Ang David Nila SA araw araw na pagkain at pamasahe.

    ReplyDelete
  2. Kulang pa sahod Nila SA allowances nila

    ReplyDelete
  3. oo nga, minsan sa mga remote schools, hindi ko maatim na ubusin ang meryenda ko kasi may nakikita akong nga students na walang pambili ng meryenda. kaya dukot ako sa sariling bulsa.

    ReplyDelete
  4. Bakit mangangamba si madam secretary na kapag taasan ang sahod ng mg guro ay tataas ang inflation rate? So ang ibig bang sabihin nito ay papako lang sng salary ng mga teachers upang hindi tataas lalo ang inflation rate? Ano yan? Di ba dapat ipaglaban niya ang pagtaas ng sahod ng mga teachers?

    ReplyDelete

Powered by Blogger.