Rep. Vargas apologizes for the honest mistake of NO-HOMEWORK BILL




OFFICIAL STATEMENT OF REP. ALFRED VARGAS ON THE NO HOMEWORK ON WEEKENDS PROPOSAL

Humihingi po ako ng paumanhin sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga guro na naapektuhan ng pagkakamali ng aking opisina. Hindi po sinasadyang naisingit ang penal clause sa panukalang batas para sa ating mga mag-aaral na “NO HOMEWORK ON WEEKENDS BILL”.

Ito po ay isang technical error at iwinawasto na po ng ating opisina. Kung inyo pong susuriin, mapapansin na may dalawang Section 4 na nakasama sa panukalang batas. Ito po ang pagkakamaling nagawa. Tama po kayo, hindi ito isang krimen na kailangan ng kaparusahan. Tayo po ay gumagawa na ng hakbang upang iwasto ang naturang pagkakamali.

Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga nakapuna nito at manalig po kayo na palagi akong kaisa sa interes ng ating mga guro at mag-aaral. Higit sa lahat, ang inyong lingkod po ay patuloy na nakikinig sa lahat ng inyong suhestyon at opinyon.

Gayunpaman, naninindigan po ang inyong kinatawan na napapanahon po ang pangangailangang isabatas natin ang “NO HOMEWORK ON WEEKENDS BILL”. Ito po ay para sa interes ng mga kabataang estudyante, ng mga guro, ng mga magulang, at higit sa lahat ng bayan.

Kabuklod po ninyo ako sa pananalig na hindi makatarungan na malapatan ng kaparusahan ang ating mga guro. Ipaglalaban po natin ang kagalingan at interes ng ating mga guro at mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
#ActionVision

Source: Alfred Vargas Official Facebook Page








Rep. Vargas apologizes for the honest mistake of NO-HOMEWORK BILL Rep. Vargas apologizes for the honest mistake of NO-HOMEWORK BILL Reviewed by DepEd Click Admin on August 30, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.