Mga gurong biktima ng pamamaril, ligtas na




Kasalukuyan ngayong nagpapagaling ang gurong si Zhaydee Cabañelez matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin Martes ng umaga sa loob ng kanilang silid-aralan sa Dalit Elementary School, Valencia City, Bukidnon.

Wala namang tinamong tama ng bala si Ramil Cabañelez na asawa ni Zhydee at tumatayong head teacher ng nasabing paaralan.

Ayon sa kanila, nasa loob sila noon ng silid-aralan ng biglang dumating ang mga kalalakihan at agad silang pinag-babaril.

"Nakapagtago ako sa mesa. Habang ang mga bata naman ay nagtakbuhan sa loob ng CR at sa ilalim ng kanilang upuan," paliwanag ni Ramil.


Sa kasamaang palad, nagtamo ng tama ng bala ang asawa niyang si Ma'am Zhydee na agad na isinugod sa pagamutan.

Hinala ng mga pulis, ang mga salarin ay myembro ng armadong grupo na NPA.

"We are narrowing down our investigation on the involvement of rebels in the area. Hopefully, we will be able to narrow down kung sino talaga ang mga responsable," sabi ni P/Lt. Col. Surki Sereñas.

Read: IMPORTANT NEWS for TEACHERS (read here)


Mga gurong biktima ng pamamaril, ligtas na Mga gurong biktima ng pamamaril, ligtas na Reviewed by DepEd Click Admin on October 18, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.