Salary Increase for Teachers to start on January 2020, DBM Assures



The Department of Budget and Management has confirmed and assured the public school teachers that the salary increase will start on January 2020. This has part of the dialogue made between the DBM and the Alliance of Concerned Teachers - Philippines (ACT) on several issues concerning the welfare of the public school teachers in the country with regard to their salaries and other benefits.

The Manila Public School Teachers Association - MPSTA ACT NCR UNION posted the report on their official Facebook Page after the said dialogue.

"Ulat sa naganap na Dayalogo sa pagitan ng DBM at ng Alliance of Concerned Teachers - Philipines.

Matapos ang ating piket sa tarangkahan ng DBM ay hinarap tayo ng kanilang mga opisyal. Narito ang ilan sa mga napag-usapan:

1. Hinggil sa Dagdag na Sahod
Nakapagpasa na ng salary schedule ang DBM sa kongreso at senado na ang laman ay ang P31B pa rin, hindi pa ito na-adjust sa Senate-approved budget for salary na P63B. Ngunit sinigurado nila na mayroong salary increase sa darating na Enero 2020.


2. Hinggil sa Teacher items (Teacher I to VII) and adjusted salary grades
Naihapag na ito ng DepEd sa DBM at natukoy ang mga kahinaan nito. Gayumpaman, nilinaw ng DBM na hindi pa ito na-budgetan para sa darating na taon. 2021 pa ang kanilang timeline para sa pagpapatupad nito.

3. Hinggil sa status ng PBB
Hindi pa idineklarang "eligible" ang DepEd sa pagkakaroon nito. Nobyembre 19 pa lamang natanggap ng DBM ang reports mula sa DepEd. Nasa proseso ito ng validation and evaluation kaya sa susunod na taon pa ito posibleng makuha ng mga guro.

4. Update sa P500 vetoed medical allowance
Nasa legal department na ito ng DBM, titingnan nila kung posible pa itong maibigay at kunsakali ay sisikaping matanggap ito ng mga guro ngayong Disyembre.

5. Paglilinaw sa monetization ng service credit
Pag-aaralan ng DBM ang ruling ng CSC hinggil sa pagbibigay ng monetization sa ating service credit.

Mananatili pong mapagbantay ang ating unyon para sa ating sahod, benepisyo, at karapatan! 2K di sapat, 30K dapat! Salary Increase Now!

Tuloy-tuloy ang Laban!✊🏽"

Source: Manila Public School Teachers Association - MPSTA ACT NCR UNION (FB Page)

READ: P10,000 Service Recognition Incentive for Teachers to be given starting December 20


Salary Increase for Teachers to start on January 2020, DBM Assures Salary Increase for Teachers to start on January 2020, DBM Assures Reviewed by DepEd Click Admin on December 05, 2019 Rating: 5

5 comments:

  1. Increase na patingi-tingi. Saan hahantong ang kapirasong increase na yan sa lumulobing presyo at taxes!

    ReplyDelete
  2. Sana naman maambunan din ang private school teachers. Hindi ba Filipino students din ang aming tinuturuan katulad ng mga public school teachers? Hindi ba tax din naman naming mga teachers sa private schools ang nakakadagdag sa increase? Sana naman.

    ReplyDelete
  3. It is still a big thanks that we are seen by our government. It is just a small amount and might not be enough but I consider it a blessing. Thank you so much.

    ReplyDelete
  4. hay!!!!! just let them talk and talk but never approved.... pinapaasa lang tayong mga teachers,,,.palibhasa kasi uliyanin na hindi na alam ang sinasabi....

    ReplyDelete

Powered by Blogger.